PAGTUTULUNGAN NG MGA PILIPINO SA MALIIT MANG BAGAY O MALAKI
Napaka sarap tignan ng mga pilipino na nag babayanihan at nag tutulungan sa maliit mang bagay o sa malaki isa na rito ang pagbayad ng pasahero sa tsuper ng jeep madalas o palaging pinapasuyo ng nasa hulihan ng jeep na ang kanilang o kanyang bayad pinag papasapasahan nila ang bayad ng kapwa nila pasahero papunta sa tsuper ng jeep sa paraang yan naipapakita na ang pag tutulungan ng mga pilipino.
- Isa rin sa pagpapakita ng pag tutulungan ng mga pilipino ay kapag may naaksidente kahit na may lakad ang iba pag may nakita silang naaksidente ay dali dali nilang itong tutulungan at tatawag narin ng ambulansya. May mga bagay na hindi natin napapansin na nakakatulong tayo sa pag balik lang ng sobrang sukli ay naipapakita na rito ang pagtulong at pagiging matapat na pilipino.
KULTURANG PILIPINO
may mga ibat iba tayong kultura ngunit para saakin ang kulturang pilipino ay naiiba dahil sa kulturang pilipino hindi lamang naipapakita ang pag mamahal sa kultura kundi pati ang pagmamahal sa kapwa napakaraming ibat ibang kultura ng mga pilipino ang iba ritoy nalimutan na ng panahon may iba ring nandyan pa ngunit patuloy na ang pag limot may iba ring nandyan ngunit hindi napapansin . Ang kulturang pilipino ay napakaganda napakasayang alamin at napaka sarap sa damdamin na may mga kapatid parin tayong nag papahalaga sa kultura ng ating mga ninuno. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko pang kilalanin ang ibat ibang kultura na hindi kopa nalalaman dahil sa bawat sulok ng pilipinas may mga kulturang hindi natin nalalaman na umuusbong at nalilimultan na ng panahon.
Comments
Post a Comment